Maliliit na scam centers, inaasahang maglilipana sa 2025 kasunod ng total POGO ban

Ilalabas na ng PAGCOR ang cancellation of license order ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa buong bansa sa December 15.

Kaya naman puspusan na ang paghahanda ng mga otoridad dahil inaasahang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na maglilipana ang mga guerilla POGO operations o ang bagong tawag na scam centers sa bansa.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni PAOCC Executive Director USec. Gilbert Cruz ang mga ito ay mga dating POGO worker na nagsama-sama at bumuo ng maliliit na grupo para magset-up ng illegal scam center sa mga bahay, apartment, condominium unit at maliit na gusali.


Dahil dito, magtutulungan aniya sila ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at National Bureau of Investigation (NBI) para tugisin ang mga operasyon laban sa mga illegal scam center.

Asahan na aniya na magiging maaksyon ang kanilang mga tanggapan at mga tauhan pagsapit ng susunod na taon laban dito.

Facebook Comments