Hinikayat ni Senator Alan Peter Cayetano ang pamahalaan na magtakda na ng malinaw na estratehiya sa West Philippine Sea para sa pagpapanatili ng ating karapatan sa teritoryo.
Ayon kay Cayetano, wala kasing malinaw na paraan ang Pilipinas sa pinagaagawang teritoryo dahil sa tuwing magpapalit ng administrasyon ay nababago din ang estratehiya ng bansa.
Napansin ng senador na sa mga naupong Pangulo, meron dito ay pro-China, anti-China, pro-US at anti-US.
Babala pa ni Cayetano, kung ganito palagi na iba-iba ang estratehiya sa West Philippine Sea ay tiyak na “recipe” ito sa tuluyang pagbagsak ng bansa.
Iminungkahi ni Cayetano na sa halip na hayaan ang mga tagapayo ng pangulo na bumuo at magpatupad ng estratehiya ay mas marapat na maging bahagi ang ating mga military leaders kasama ang mga diplomats sa decision-making process patungkol sa West Philippine Sea.