
Pinatitiyak ni Committee on Health Chairperson Sen. Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) ang malinaw na guidelines para sa Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Persons (MAIFIP).
Nais ng senadora na masiguro ng ahensya na ang binabalangkas na administrative order para sa medical assistance ay tuluyang mag-aalis sa political patronage at malinaw na mailalatag ang proseso at requirements na kailangan para sa pagtanggap ng tulong.
Sinabi ni Hontiveros na dapat mas mapadali na ang access para sa financial aid ng mga pasyente at hindi na kakailanganin pang mag “door-to-door” sa mga opisina ng mga politiko para manlimos ng guarantee letters para sa pagpapagamot.
Binigyang-diin naman ni Hontiveros na ituloy sa mga susunod pang fiscal year ang reporma sa national budget tulad ng anti-epal provision.
Handa na rin ang mambabatas na talakayin sa plenaryo ang Senate Bill No. 1593 o ang Universal Health Care Medical Assistance Program (UHC MAP) kung saan direkta na sa mga ospital at sa mga pasyente nito ang financial aid.










