MALINAW | Pag-amiyenda sa procurement law, gustong mangyari ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na malinaw naman sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto nitong maamiyendahan ang Procurement law ng Pamahalaan na mahigpit na ipinatutupad ng commission on audit.

Ito ang sinabi ng Malacañang matapos makailang beses na banatan ni Pangulong Duterte ang COA dahil sa pagkuwestiyon sa mga transaksyon ng gobyerno na sinasabi ng Pangulo na nagpapatagal ng implemetasyon ng mga proyekto at serbisyo ng Pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, babalangkas ang ehekutibo ng Panukalang batas na magaamiyenda sa procurement law na siya namang isusumite nila sa kongreso para maging ganap na batas.


Naniniwala din naman si Roque na posibleng sertipikahang urgent ni Pangulong Duterte ang gagawing panukalang batas para amiyendahan ang procurement law kung kinakailangan.

Matatandaan na gusto ni Pangulong Duterte na dapat ay mabawasan ang redtape sa pamahalaan para mapabilis ang proseso at pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan.

Facebook Comments