MALING AKALA | Babaeng isinusugod sa ospital matapos barilin ng kapitbahay, tinambangan ng mga pulis matapos mapagkamalang suspek

Mandaluyong City – Patay na ang babaeng dadalin sana sa hospital, ito ay matapos mabiktima ng pamamaril sa Freedom Park, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City kagabi.

Suspek sa pamamaril ang kapitbahay nito na may negosyong gasul.

Habang isinusugod ang biktima sa pinakamalapit ng hospital sakay ng kulay puting mitsubishi adventure, sinundan ito ng pulis Mandaluyong sa pag-aakalang ito ang sasakyan ng suspek sa pamamaril.


Inabutan ang nagmamadaling sasakyan sa Old Wack-Wack, Shaw Blvd. at pinaulanan ito ng bala ng mga pulis.

Huli na ng malaman nila na sasakyan pala ng biktima ang kanilang hinahabol habang nakatakas naman ang tunay na suspek.

Ayon kay Psrsupt. Moises Villacerin, itinuro ng mga opisyal ng Barangay Addition Hills ang nasabing sasakyan at sinabing ito ang get-away vehicle ng suspek sa pamamaril kaya’t nakihabol lamang ang mga rumespondeng pulis.

Bukod sa babaeng dadalin sa hospital, patay din si Jomar Hayawon, isa sa mga nagmagandang loob na tumulong sa babaeng biktima sa pag dala sa hospital.

Sugatan at nasa malubhang kalahayan sa pagamutan ang 2 kasama ni Jomar na kilalang sina Eliseo at Danilo Santiago, sila din ay kapwa nag magandang loob lamang na tumulong na magdadala sa hospital.

Samantala, nagkalat sa pinangyarihan ng insidente ang hindi bababa sa 34 na basyo at slug ng baril.

Makikita din sa video ng ilang bystander ang halos 20 pulis na nakapalibot sa sasakyan ng biktima at ilan ditto makikitang nagpapaputok ng baril.

Maingat naman ang Mandaluyong Pulis sa pagbibigay ng detalye at sinasabing nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Facebook Comments