Isabela – Patay ang isang grade-12 student matapos barilin nang makapagkalamang magnakakaw sa San Andes, Cabatuan, Isabela.
Nakilala ang nasawi na si Randel William, 17-anyos habang sugatan naman ang nobya nito na si Mary Jane Calimaran, 18-anyos na may tama ng bala sa kaliwang tuhod.
Sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang magkasintahan at tumigil sa tapat ng compound ng bahay ng pamilya Velayo para sana umihi pero pinagbabaril sila ng isang lalaki na nakatira sa loob.
Handa naman sumailalim sa paraffin test ang mga residente sa compound kung saan nabatid na posibleng napagkamalan ang magkasintahan dahil noong Abril 2018 ay ninakaw sa compound ang isang makina ng patubig.
Facebook Comments