MALING AKALA | Miss Universe 2017, walang dugong Pinoy

Showbiz – Itinanggi ni 2017 Miss Universe Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa na mayroon siyang lahing Pilipino.

Sa kanyang Facebook live, sinagot ng 22-year old beauty queen ang mga espekulasyon na isa siyang half Pinay.

Aniya, 100 percent African siya at posibleng nalito lang ang mga Miss Universe fanatics dahil magka-apelyido sila ng pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters.


Kamakailan kasi, kumalat sa social media ang larawan ni Nel-Peters kung saan nakasaad ang impormasyong ipinanganak ang lola niya malapit sa Siargao Islands kung saan kilala ang apelyidong Peters habang tubong-Mindoro naman ang kanyang lolo.

Facebook Comments