Maling akala ng IBP ukol sa Anti-Terror Bill, ipinaliwanag ni Senator Lacson

Ipinaliwanag ni Senator Panfilo Ping Lacson sa Integrated Bar of the Philippines o IBP na ang Anti-Terror Bill ay mabilis, mabisa at naaayon sa Saligang Batas.

Nakasaad ito sa 13-pahinang liham ni Lacson kay IBP President Domingo Egon Cayosa.

Layunin ng liham na maituwid ang maling interpretasyon at misconceptions sa Anti-Terror Bill ng IBP lalo na ang patungkol sa lilikhaing Anti-Terrorism Council.


Paliwanag ni Lacson, ang mga gagawing pag-aresto ay hindi lang ibabatay sa mga hinala o suspicion.

Diin pa ni Lacson, wala ring kapangyarihan ang Anti-Terrorism Council na mag-utos ng pag-aresto at hindi rin ito maaaring magtakda sa haba ng pagkakulong para sa mga dadamputin na hinihinalang terorista.

Muli iginiit ni Lacson na ang Anti-Terrorism Law ay may taglay na mga safeguards na nagbibigay proteksyon sa karapatang pantao.

Facebook Comments