
Hindi pa nakikita ng Department of Justice (DOJ) na makakaapekto sa imbestigasyon ang mga sinasabing maling coordinates ng mga flood control projects ng pamahalaan.
Kasunod ito ng ibinunyag kamakailan ni Senate Blue Ribbon Committee (BRC) Chair Senator Ping Lacson na hindi akma ang mga coordinates na isinumite mismo ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa Malacañang.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, nakabatay sa mga isinumiteng ebidensiya sa kanila ang ginagawang imbestigasyon ngayon sa mga flood control cases na nasa kagawaran.
Sa kabila nito, sinabi ni Martinez na ayaw nilang pangunahan ang prosekusyon sa kailang trabaho.
Una nang ipinaliwanag ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon sa pagdinig ng Senado na gumagalaw ng sarili ang Justice Department at batay ito sa mga pagsusuri na ginagawa ng National Bureau of Investigation (NBI).










