MALING IMPORMASYON | Dating editor-in-chief ng Top Gear Philippines, ipinaaaresto

Manila, Philippines – Ipina-aaresto ng Manila Regional Trial Court ang dating Editor-In-Chief ng Top Gear Philippines na si Vernon Sarne.

Kaugnay ito sa kinakaharap ni Sarne na kasong cyber libel dahil sa maling pag-aakusa sa isang motorista bilang gunman sa kanyang post sa facebook.

Inireklamo ni Nestor Punzalan si Sarne matapos siyang iturong suspek sa nangyaring road rage sa Quiapo, Maynila noong 2016 kung saan napatay ang siklistang si Mark Vincent Garalde.


Aminado naman si Sarne na nagkamali siya sa paglalagay ng impormasyon sa facebook.

Inirekomenda ng korte ang P10,000 piyansa para kay Sarne.

Facebook Comments