Maling paggamit ng DoTr at NHA ng pondo, ikinagalit ni Senator Legarda

Manila, Philippines – Uminit ang ulo ni Finance Committee Chairman Senator Loren Legarda habang dinidinig ang budget ng Dept. of Transportation and Communication o DOTr at National Housing Authority o NHA.

Ikinadismaya ni Legarda na hanggang Hunyo ng taong kasalukuuang ay nasa 18 porsyento pa lang nagagastos ng dotr sa pondong inilaan dito ng Kongreso.

Punto ni ni Legarda, dahil papatapos na taon ay anong magic ang gagawing ng DOTr para magamit sa mga pinaglalaanang mga programa at proyekto ang halos natitira pang 80 porsyento sa pondo nito.


Samantala, natuklasan naman ni Legarda na sa mga naipatayomg housing units ng National Housing Authority o NHA mula 2011 hanggang 2016, ay limamput tatlong porsyento pa ang mga hindi pa okupado.

Ang dahilan ay ang kawalang ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng tubig, kuryente, eskwelahan at multpurpose hall at hindi rin daw nakonsulta ang mga benepisyaryo.

Bunsod nito ay hiningi ni Legarda ang listahan ng mga housing projects na hindi pa naookupa para siya na lang ang makikipag usap sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para maibigay ang kinakailangang basic services sa nabanggit na mga pabahay.

Facebook Comments