Manila, Philippines – Sinampahan ng kasong graft sa Office of the Ombudsman ang dalawang opsiyal ng National Food Authority (NFA).
Inireklamo ng samahang industriya ng agrikultura sina NFA Administrator Jason Aquino at NFA accounting manager na si Gerry Ambrosio.
Ito ay dahil sa maling paggastos sa ₱5.1 billion na pondo ng ahensya.
Nakalaan ang pondo para bantayan ang presyo at supply ng bigas at mais pero ginamit pa rin ito sa pambayad ng utang.
Ito ang dahilan kung bakit may problema sa supply at presyo.
Kasabay nito, sinabi naman ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate, pinaiimbestigahan ng Makabayan bloc ang importasyon ng ilang produkto sa ilalim ni Pangulong Duterte.
Kabilang na rito ang galunggong at ng ‘bukbuking’ bigas.
Facebook Comments