Malinis ang konsensya ko!- Former ABC President

Dumipensa si former Brgy. Poblacion 1 Chairperson , former ABC President at ngayoy Cotabato City Councilor Abdillah Lim matapos maisali ang pangalan sa inilabas na listahan ng PDEA na di umanoy sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Malinis aniya ang kanyang konsensya bukod pa sa mga pinanghahawakan nitong mga Clearances kontra sa anumang uri ng mga illegal na mga aktibidad mula PDEA ARMM at iba pang mga Intel Agencies pahayag ni Councilor Lim sa panayam ng DXMY ngayong umaga.

Bagaman hindi personal na apektado, ikinalulungkot lamang aniya nito ang pagkakasali ng kanyang pangalan para sa kanyang pamilya at tila sumailalim na sila ngayon sa Trial by Publicity matapos na isapubliko ang kanilang mga pangalan kahapon.


Matagal na aniya itong kaisa ng lokal na pamahalaan sa kampanya di lamang sa ipinagbabawal na gamot kundi sa lahat ng uri ng krimen at mga illegal na aktibidad dagdag ni Konsehal Lim

Kaugnay nito nakahanda na si Councilor Lim para ipresenta ang mga kaukulang dokumento para tuluyang malinis na ang kanyang pangalan. Nagpapasalamat na lamang ito sa kanyang mga kababayan sa patuloy na suporta at tiwala sa kanyang pagkatao.

Maliban kay Councilor Lim , 4 pa na mga Baranggay Kapitan sa syudad ang naisali sa listahan ng PDEA na di umanoy kabilang sa NarcoPoliticians.

PIC :FB wall of AL

Facebook Comments