Manila, Philippines – Bukas sa imbestigasyon ng NBI si Assistant State Prosecutor Michael John Humarang. Si Humarang ay kabilang sa mga kasapi ng panel na nag-absuwelto sa drug case sa grupo nina Peter Lim at Kerwin Espinosa. Iginiit ni Humarang na malinis ang kanilang konsensya at isinisisi nila ang pagkaka dismiss sa kaso sa aniyay kakulangan ng ebidensyang inihain ng PNP-CIDG. Sinabi ni Humarang na nagdepende lang kasi aniya ang prosekusyon sa testimonya ng kanilang testigo na si Marcelo Adorco. Kabilang din sa miyembro ng panel of prosecutors na nag-dismiss sa kaso si dating Senior Assistant Prosecutor Aristotle Reyes na kailan lamang ay nahirang bilang judge ng Lucena RTC sa Quezon Province. Sa panig ni Reyes, idenetalye naman nito na naging inconsistent at lumabas na walang personal knowledge si Adorco sa mga naging testimonya nito lalo na sa mga petsa at sa mga personalidad na kanyang idinadawit.
MALINIS ANG KUNSENSYA | Prosecutor na kasama sa nag-absuwelto kina Espinosa at Lim, nagsalita na
Facebook Comments