Patuloy na sinisiguro ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang pagkakaloob ng malinis at ligtas na mapagkukunan ng tubig para sa mga residente sa bawat barangay sa nasabing bayan sa pamamagitan ng pamamahagi ng jetmatic water pumps.
Magkakasunod na napapamahagian ang mga Barangay sa bayan at kailan lamang ay nakatanggap ng water pumps ang mga barangay ng Maasin na halos isang daang pamilya ang mabebenepisyuhan nito at sa Brgy. Buenlag at Brgy. David na nasa walumpo naman ang pamilyang makikinabang dito.
Tinatayang nasa isang daan at limampu o 150 na rin ang naibigay na mga jetmatic water pumps ngayong taon.
Samantala, sa mga nais pang magkaroon ng waterpump ay maaaring tumungo sa Mangaldan Municipal Hall, Community Affairs Office (CAO) at siguruhing madala ang mga kinakailangang requirements tulad ng petition letter mula sa Community Affairs Office (CAO) at mga larawan na nagpapatunay ng depektibong jetmatic pump nang mapalitan ito. |ifmnews
Facebook Comments