MALINIS | Higit 100 BOC employees na sumailalim sa surprise drug test ng PDEA, nagnegatibo

38

Manila, Philippines – Nasa 119 na empleyado mula sa Bureau of Customs (BOC) ang sumailalim sa katatapos lamang na suprise drug test na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, hindi niya ikinagulat ma nagnegatibo ang unang batch na sumailalim sa drug test, patunay ito aniya na wala sa mga tauhan niya ang may kinalaman sa iligal na droga.

Sinabi pa ni Lapeña na magpapatuloy ang mga surprise drug test upang mapanatiling drug free ang Customs.

Isa rin aniya ito sa nakikita nilang paraan, upang mapanatili ang kredibilidad nila sa publiko.

Facebook Comments