
Full capacity na ang evacuation center sa H. Bautista Elementary School matapos lumikas ang mga residenteng malapit sa Marikina River.
Kaninang madaling araw nang itaas sa ikatlong alarma ang ilog matapos umabot sa 18.7 meters ang water level.
Sa panayam ng DZXL-RMN Manila kay Analy Salazar, co camp manager ng H. Bautista Elementary School, sa ngayon ay nasa 3,855 na indibidwal o katumbas ng 597 pamilya ang nananatili sa naturang paaralan.
Ang mga evacuee naman ay inendorso na sa Parang Elementary School para hindi magsiksikan sa H. Bautista School.
Posible aniyang bukas o makalawa pa pauuwiin ang mga evacuee sa naturang paaralan depende sa magiging lagay ng Marikina River.
Humiling naman si Salazar ng maninis na tubig at pagkain para sa kanilang evacuees.









