MALINIS NA KAPALIGIRAN, PRAYORIDAD NG BRGY. SAN FRANCISCO

CAUAYAN CITY- Mahigpit na isinusulong at ipinatutupad ang pagpapanatili ng kalinisan sa Brgy. San Francisco, Cauayan City, Isabela

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Rolando Longgat, Committee on Environment, bahagi ng kanilang adhikain na maisulong ang malinis na kapaligiran upang maiwasan ang pagkakaroon ng anumang sakit.

Aniya, tuwing Sabado ay nagkakaroon ng clean-up drive ang kanilang hanay kasama ang mga 4P’s beneficiaries kung saan kanilang nililinisan ang kalsada, canal, at communal garden.


Dagdag pa niya, dahil nagkakaroon ng kakulangan a Material Recovery Facility ay kanya-kanya muna ang mga residente sa pag-segregate ng kanilang basura.

Bukod dito, kumpleto rin sa kagamitang panglinis ang naturang barangay kaya naman malaking tulong ito sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang nasasakupan.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments