Pinalilinis ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang listahan ng mga benepisaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DSWD Sec. Erwin Tulfo na mismo si Pangulong Marcos ang nag-utos sa kanya sa naganap na kauna-unahang full cabinete meeting kahapon para tanggalin na sa listahan ang mga hindi kwalipikado sa 4Ps.
Layon aniya nitong, mapangasiwaan ng paayos ang pondo sa 4Ps lalo na’t nagtitipin ang gobyerno dahil sa kakulangan ng pambansang budget.
Kasabay nito, tiniyak ni Tulfo na sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo ay malilinis na ang listahan ng 4Ps.
Nagbanta rin ang kalihim na kakasuhan ang mga mapapatunayang hindi kwalipikado ngunit nasa listahan ng mga 4Ps beneficiaries.