MALINIS NA TRACK RECORD | Mga ia-appoint, dapat walang masamang record – Sen. Ejercito

Manila, Philippines – Karapatan ng Pangulong Rodrigo Duterte na i-appoint ang sino mang naisin nito sa isang public post, ito ang sinabi ni Senator JV Ejercito kasunod ng pagkakatalaga kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon bilang bagong deputy administrator ng Office of Civil Defense.

Gayunpaman, ayon kay Ejercito, kung siya aniya ang tatanungin, dapat ay mas pinipiling i-appoint ang mga indibidwal na mayroong intensyon na magpatakbo sa isang public post.

Mas dapat din aniyang pinipili ang mga indibidwal na walang masamang bahid sa kanilang track record, dahil magsisilbi aniya sila sa bayan.


At ang serbisyong publiko aniya ay nangangailan ng tiwala mula sa bayan.

Facebook Comments