“MALISYOSO” | DSWD dumepensa sa pagkadawit ni SAP Bong Go sa distribution ng relief goods

Manila, Philippines – Tinawag na malisyoso ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang larawan na ipinakalat sa social media na pinalilitaw na galing sa ahensya ang mga relief goods na ipinamahagi ni Presidential Assistant, Secretary Christopher “Bong” Go sa mga nasunugan sa Barangay 402, Sampaloc, Manila.

Nilinaw ni acting Secretary Virginia Orogo na naunang dumating sa lugar ang grupo ni SAP Bong Go para maghatid ng grocery packs, bags, mga damit at financial assistance para sa may 822 individuals na nawalan ng bahay.

Nagkataon naman na dumating din sa lugar ang team ng DSWD-National Capital Region na naghatid din ng ayuda alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Aniya, batid nila na binibisita talaga ni Secretary Go ang mga lugar na apektado ng kalamidad.

Ikinatutuwa ni Orogo na may kaibigan si Go na may diwang mapagkawang gawa sa mga kababayan natin na lugmok ngayon dahil sa mga sunog na sumiklab sa ibat-ibang lugar.

Umapela si Secretary Orogo sa publiko na mag-ingat sa pag-post sa social media ng mga larawan na maaring magdulot ng intriga o kalituhan.

Facebook Comments