MALL REGISTRATION SITES PARA SA HULING ARAW NG VOTERS REGISTRATION, INILUNSAD NG COMELEC AT LGU SAN CARLOS CITY

Nagsagawa na ang lokal na pamahalaan katuwang ang pamunuan ng COMELEC San Carlos City ng mall site registration para sa mga residenteng magpaparehistro sa nalalapit na #Halalan2022 kasabay ng panawagan na magparehistro para makaboto.

Ginaganap ang registration sa City Mall San Carlos na nagsimula kahapon September 28 at magtatagal hanggang bukas, September 30 bilang pinakahuling araw na palugit na ibinaba ng COMELEC.

Kasama sa serbisyong hatid ng Mall-Based Registration na ito ay ang New Registrants, Reactivation/Validation of Voter’s Registration , Transfer of Voter’s Registration at ang Correction of Voters’ Record.


Pinapaalalahanan naman ang publiko na sumunod sa health protocols at magdala ng sariling ballpen.

Facebook Comments