Pumirma na sa isang kasunduan ang Commission on Elections (COMELEC) at ilang malls sa bansa.
Ito’y may kaugnayan sa darating na barangay at SK Elections sa October 30, 2023.
Pinangunahan nina COMELEC Chairman George Erwin Garcia at Steven Tan na presidente ng SM SUPERMALLS ang MOA signing kasama ang ilang commissioner ng Comelec.
Layunin nito na magsagawa ng botohan sa mga mall kung saan nasa 14 na mall sa Metro Manila ang magiging venue habang tig-isa sa Legazpi at Cebu.
Ayon kay Garcia, hindi magiging sapilitan ang pagboto ng mga botante sa mga mall at maaari pa rin nilang piliin na bumoto sa mga paaralan na ginawang polling precinct.
Isa rin sa layunin ng hakbang ng COMELEC ay upang maging maayos at matiwasay ang pagboto ng mga senior citizen, mga buntis at mga Person with Disabilities (PWDs).
Paliwanag pa ni Garcia, walang gastos o inilabas na pondo ang Comelec sa gagawing mall voting at ang pamunuan ng mga malls ang siyang bahala sa lahat gaya ng lugar, seguridad at mga kagamitan.
Bukod sa SM Supermalls, makakatuwang rin ng COMELEC ang Robinsons Malls sa gagawing mall voting.