MANILA – Ibinasura na ng Commission On Elections (Comelec) ang planong mall voting o ilipat ang ilang polling precincts sa mga malls sa may 9 elections.Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ibinasura ng En Banc ang una nilang desisyon noong March 10 na magkaroon ng mall voting.Sa botong 4-3, nagdesisyon ang Comelec En Banc na huwag nang ituloy ang panukalang mall voting.Paliwanag ni Bautsita, ang naging basehan kung paano nagbotohan ay ang interpretasyon kung aaprubahan o hindi ang paglipat ng polling precincts 45 days bago ang eleksyon.Tinalakay anya ang approval na nangyari noong March 10 na 60 days bago ang halalan pero ilang Commissioners ang nagsabi na dapat ay nailipat na ang mga presinto sa mga malls.Dahil dito ay aabisuhan na ng Comelec ang mga botante na ang mga presinto ay nailipat sa mga malls na bumalik sa kanilang regular polling precincts.Humingi rin ng paumanhin si Bautista sa mga nagsulong ng mall voting pero nangako ito na muli nila itong susubukan sa 2019 election.
Mall Voting Sa Bansa – Ibinasura Na Ng Commission On Elections
Facebook Comments