Malnutrisyon, nananatiling problema sa bansa

Nananatili pa ring problema sa bansa ang malnutrisyon.

Base sa pinakahuling expanded national nutrition survey ng DOST-Food and Nutrition Research Institute (FNRI) noong 2018 – malaking problema pa rin ang “stunting” o pagkabansot sa mga bata.

Lumalabas na 25.5 percent o isa sa bawat apat na Pilipinong sanggol mula pagkapanganak hanggang 23 months old ay nakararanas na ng stunded growth.


Nasa 31.5 percent naman ng mga batang nakararanas nito ay edad dalawa hanggang limang taon at 24.2 percent sa mga may edad anim hanggang sampung taon.

Mas malaki rin daw ang tiyansa na maging malnourish ang mga teenage mothers na may edad 15 hanggang 19.

Kaugnay nito, hiniling ni FNRI-DOST Director Dr. Mario Capanzana na pag-ibayuhin ng gobyerno ang mga programa nito kontra malnutrisyon.

Isinagawa ang survey sa 117 probinsya at mga highly-urbanized cities sa buong bansa.

Facebook Comments