Malnutrition sa Pilipinas, lumala ngayong pandemya

Nakitaan ng paglala ang malnutrition sa Pilipinas kasabay ng pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Ayo kay Dr. Azucena Dayanghirang, Executive Director ng National Nutrition Council, malaki ang naging pagtaas ng malnutrition sa bansa partikular na sa mga batang nasa edad lima pababa.

Sa katunayan pa nga aniya ay nasa 3.4 milyong batang Pilipino ang nakakaranas ng problema sa kalusugan.


Habang idinagdag pa nito na maaari pang tumaas ang bilang dahil sa mas maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Sa ngayon, paalala ni Dayanghirang na bigyang-importansiya ang pangangalaga sa unang 1,000 araw ng bata para maiwasan ang malnutrition.

Facebook Comments