Panawagan ngayon ng mga residente sa bahagi ng purok sais sa Barangay Dusoc, Bayambang ang lubak-lubak na kalsada sa kanila dahil sa maaari nitong maidulot na disgrasya.
Ayon sa ilang residente, pahirapan umano sa mga maliliit na sasakyan tulad ng mga motorsiklo ang pagdaan sa nasabing bahagi dahil malalaki na ang mga butas at naiipon ang tubig tuwing nagkakaroon ng pag-uulan.
Isa rin umano sa nakikita nilang dahilan ay ang pagdaan ng mga malalaki at mabibigat na sasakyan dahilan upang lumubog at malubak ang daan.
Inihayag naman ng pamunuan ng barangay na naidulog na ang nasabing daanan sa kinauukulan at naghihintay na lamang umano ng pondo upang tuluyang na maumpisahan ang pagsasaayos nito.
Bukod sa daanan, hilong din nila ang pagkakaroon din sana ng drainage system sa naturang bahagi upang magkaroon ng maayos na pagdadaluyan ang tubig ulan at hindi maipon sa gitna ng kalsada.
Maging ang mga street lights, panawagan rin umano nila na mapalitan kung magkakaroon man ng pondo para rito upang maliwanag ang dadaanan ng mga motorista lalo pag sumapit ang gabi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






