Tama, Sapat at Libreng Serbisyong Pangkalusugan ito ang layunin ng paglulunsad ng Kalusugang Pangkalahatan sa Maguindanao .
Bisita sa okasyon si DOH ASec Dr. Abdullah Dumama at iba pang mga opisyales mula sa ibat ibang sektor kabilang na ang ilang Local Chief Executives.
Lubos ang kasayahan ni Dr. Dumama sa naging inisyatiba ng IPHO Maguindanao sa pangunguna ni Health Officer Dr. Tahir Sulaik.
Isinabay ang okasyon sa pagsisimula ng apat na araw ng Gamutang Pangkalahatan.
Pagbibigay ng ibat ibang medical services ang itinampok sa Gamutang Pangkalahatan.
Kaugnay nito nangako naman ang Provincial Government na ipapapatuloy ang mga nasimulang inisyatiba ng IPHO Maguindanao para sa hangaring pagkakaroon ng magandang kalusugan ng bawat residente ng lalawigan ayon pa kay Provincial Administrator Odjie Balayman , na syang narepresenta sa Agila ng Maguindanao. (DENNIS ARCON)
Malusog na Maguindanao hangad ng Department of Health at Provincial Government
Facebook Comments