MALUSOG NA PANGANGATAWAN PARA SA PAMILYA AT MASAGANANG KINABUKASAN, KADALASANG HILING NG ILANG PANGASINENSE NGAYONG KAPASKUHAN

Panata na ng ilang debotong Katoliko ang pagkumpleto sa siyam na araw ng Simbang Gabi dahil nais na matupad ang kanilang mga kahilingan.

Sa pagsisimula nito, kanya-kaniyang hiling ang ilang Pangasinense na dumalo sa unang araw ng Simbang Gabi.

Ayon sa ilang dumalo sa Simbang Gabi Ed Kapitolyo, ang kanilang kahilingan ngayong Kapaskuhan ay pagkakaroon ng malusog na pangangatawan upang makasama at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.

Conversion o pagbabago sa mga lider ng bansa at pagsasabuhay ng mga mensahe sa banal na misa ang Ilan sa kahilingan pa ng mga Pangasinense.

Ilang mag-aaral naman ang nagpahayag na makapasa sa exam at mairaos ang pag-aaral para sa pag-abot ng pangarap.

Sa kabila nito, patuloy na dinadagsa ng mga deboto ang mga Simbang Gabi na isinasagawa hindi lamang sa simbahan kundi maging sa mga barangay upang mas mailapit ang banal na misa sa mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments