Malusog pa na aso, ni-euthanize dahil sa hiling ng namatay na amo

Pinatay ang isang aso sa America kahit na malusog pa, dahil sa hiling ng namatay nitong amo na makasama ang alaga sa kanyang libing.

Isinailalim sa euthanasia at cremation ang shih tzu mix na si Emma, nito lamang Marso ngayong taon, sa kabila ng pagtutol ng ilang animal shelter.

Ayon sa ilang report, halos dalawang linggong sumubok kumbinsihin ng mga empleyedo sa animal shelter sa Virginia ang mga taong malapit sa namatay na amo na huwag nang sundin pa ang hiling nito.


Sa Virginia, itinuturing na personal property ang mga alagang hayop at pinapayagan ang pagsasagawa ng euthanasia sa mga kasong kagaya nito, ayon sa American Veterinary Medical Association.

Facebook Comments