‘Dugyot’ na Divisoria, ‘pinaliguan’ ni Manila Mayor Isko Moreno

Images via Facebook/Gising Maynila

Isang malinis at maluwag na Divisoria ang makikita ngayon ng mga mamimiling dadayo sa nasabing lugar.

Kasabay ito ng kautusan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa awtoridad na gawing maayos ang buong lungsod.

Sinimulan ngayong araw ang clearing operations sa kahabaan ng Juan Luna at C.M. Recto para muling madaanan ng mga pasahero at motorista.


Ayon sa ilang commuters, nagcucutting trip ang mga tsuper dahil sobrang sikip ng kalye at kadalasan inookupahan ng mga nagtitinda.

Sinigurado ng lokal na pamahalaan babantayan nilang maigi ang Divisoria para hindi na muling magkalat ang mga sidewalk vendors.

Nitong Lunes ng gabi, nagtungo si Moreno sa Divisoria upang inspeksyunin ang kalagayan ng isa sa kadalasang pinupuntahang lugar ng mga Pinoy.

Hiling ng mga Manileño at iba pang indibidwal, sana tuloy-tuloy na ang platapormang ito ng bagong alkalde.

Facebook Comments