Para kay Labor Committee Chairman Senator Joel Villanueva, dumadami ang Chinese at pang dayuhan na sangkot sa prostitusyon, kidnapping at iba pang uri ng krimen dahil sa maluwag na patakaran ng Bureau of Immigration o BI.
Diin ni Villanueva, napakadali umanong makapasok ng mga dayuhan at napakabilis ding makakuha sa BI ng special work permit na nagagamit sa pag-overstay.
Ipinunto ni Villanueva, na hindi ito mareresolba kung hindi maghihigpit ng patakaran ang BI at nagiging dagdag pa sa trabaho ng mga otoridad ang paulit-ulit na pagtugis sa mga dayuhang gumagawa ng krimen.
Magugunitang sa 2019 national budget, ay ipinasok ni Villanueva ang probisyon na nagpapaubaya sa Department of Labor and Employment o DOLE sa pag-iisyu ng BI ng work permit sa mga dayuhan dahil sa umano ay nagkakaroon ng suhulan.
Pero vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing probisyon kaya hindi naipatupad.