Inireklamo sa Office of the Ombudsman ng malversation of funds at gross misconduct ang ilang opisyal ng Malay, Aklan.
Ito ay matapos madiskubre ng NBI ang hindi pagkakatugma sa nakolektang environmental fee sa Boracay.
Batay sa reklamo ng NBI, P562 milyon lang ang naitala ng municipal treasurer na malayo sa P650 milyon na record ng tourist office.
Maliban rito, lumabag rin ang mga opisyal sa Commission on Audit o CIA disbursement guideline nang gamitin sa ibang bagay ang pondo.
Facebook Comments