Mamamahayag na si Maria Ressa, ginawaran ng Nobel Peace Prize

Sa kauna-unahang pagkakataon, ginawaran ng Nobel Peace Prize si Rappler CEO at Journalist na si Maria Ressa.

Ayon kay Norwegian Nobel Committee Chairwoman Berit Reiss-Andersen ang pagkilalang ito kay Ressa ay para sa kaniyang ‘efforts to safeguard freedom of expression’ na isang unang kailangan sa pagkamit ng demokrasya at pang matagalang kapayaan sa bansa.

Aniya, nagsisilbi si Ressa bilang kinatawan ng mga mamamahayag sa pagtindig sa kanilang mga ideyalismo kung saan nahaharap ang demokrasya at freedom of the press sa lumalalang sitwasyon.


Dagdag pa ni Reiss-Andersen, binigyan ni Ressa ng kritikal na atensyon ang kontrobersiyal na war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Lubos naman ang naging pasasalamat ni Ressa sa pagkilalang natanggap at nagpaabot ng mensahe sa lahat ng mamamahayag na sa kabila ng lahat ng nangyayari ngayon, dapat ay kumapit lamang ang lahat.

Maliban kay Ressa, pagkakalooban din ng kaparehong parangal si Dmitry Muratov ng Russia.

Nabatid na sa Disyembre 10, 2021 ay igagawad ang Nobel Peace Prize na siyang anibersaryo ng pagkamatay ni Swedish industrialist Alfred Nobel, ang founder ng prestihiyosong award noong 1895.

Facebook Comments