Mamamahayag na si Maria Ressa, tinanggap na ang kaniyang Nobel Peace Prize

Tinanggap na ni Rappler CEO at journalist Maria Ressa ang kaniyang Nobel Peace Prize diploma at medal sa Oslo, Norway kahapon, Disyembre 10.

Sa kaniyang laureate lecture, sinabi ni Ressa na inaalay niya ang natanggap na pagkilala sa lahat mamamahayag sa buong mundo.

Binaggit din nito sa kaniyang lecture ang mga kakilala at kaibigang mamamahayag na katulad niyang biktima rin ng panunupil ng gobyerno.


Kasabay nito, kinastigo ni Ressa ang American tech giants na responsable sa pagpapakalat ng kasinungalingan at maling balita sa social media para lamang kumita ng malaking pera.

Giit ng mamahayag, nagdudulot lamang ito ng galit at poot sa kapwa na siyang nagiging daan para mamuno ang authoritarians at diktador sa mundo.

Ito rin aniya ang isa sa pinakamalaking kalaban ng mga mamamahayag sa mundo.

Kaya mas kailangan na magtrabaho at kumilos pa para malabanan ito.

Maliban kay Ressa, tumanggap din ng Nobel Peace Prize si Russian investigative journalist Dmitry Muratov.

Facebook Comments