Patay sa pamamaril ang isang community journalist sa Bansalan, Davao del Sur.
Kinilala ang biktima na si Orlando “Don Don” Dinoy, reporter ng Newsline.Ph at blocktime anchor ng Energy FM sa Digos City.
Sa inisyal na ulat, alas 6:00 ng gabi nitong Sabado nang pasukin ng hindi pa nakikilalang suspek ang broadcast booth ni Dinoy sa kanyang apartment saka malapitang binaril ang biktima.
Ayon sa National Union of Journalist of the Philippines (NUJP), iniimbestigahan na ng Bansalan PNP ang motibo ng krimen.
Samantala, batay sa Global Impunity Index 2021 ng Committee to Protect Journalists’ (CPJ), nasa ika-pitong pwesto ang Pilipinas sa mga itinuturing na “worst countries” pagdating sa mga hindi nareresolbang kaso ng pagpaslang sa mga journalist.
Sa nakalipas na sampung taon, 13 kaso pa ng pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa ang hindi pa rin nareresolba.