MANILA – Mas maraming botante ang naniniwala na mas kayang resolbahin ni Administration Standard-Bearer Mar Roxas ang problema sa mataas na presyo ng bilihin at problema ng mababang sahod sa bansa.Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng “Laylo Research Strategies” na isinagawa noong February 24 hanggang March 1, mula sa 3,000 respondents.Sa Survey, 25 percent ng mga respondents ang naniniwala na kayang lutasin ni Roxas ang mababang sahod ng mamamayan, mas mataas ito kumpara sa 22 percent ni Sen. Grace Poe at ni Vice President Jejomar Binay na nakakuha lamang ng 12 percent.Statistically tied naman sina Roxas na may 25 percent at Poe na may 26 percent kaugnay sa pagresolba ng mataas na presyo ng bilihin at serbisyo sa bansa, habang si Binay ay nakakuha ng 23 percent.Bukod dito, malaki rin ang tiwala ng mga botante na kaya ni Roxas ipagpatuloy ang magagandang programa ni pangulong aquino tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4ps), karagdagang trabaho, nationwide Philhealth coverage at iba pang proyekto ng daang matuwid.
Mamamayan, Mas Tiwala Kay Roxas Na Kayang Lutasin Ang Problema Sa Mataas Na Presyo Ng Bilihin At Mababang Sweldo Sa Bans
Facebook Comments