Mamamayang Pilipino, dapat nagkakaisang suportahan ang hakbang ni PBBM laban sa China

Nanawagan si Surigao Del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers sa mamamayang Pilipino na magkaisa at suportahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagpapakita ng labis na pagkadismaya at paghahain ng diplomatic protest laban sa China.

Bukod dito ay nanawagan din si Cong. Barbers sa mga kaalyadong bansa na tulungan ang Pilipinas na maipatupad ang ating napanalunang arbitral ruling kaugnay sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Mensahe ito ni Barbers, kasunod ng panibagong pambu-bully ng China sa Philippine Coast Guard (PCG) kung saan ginamitan ng military-grade laser ang PCG personnel na nagdulot ng pansamantala nilang pagkabulag.


Diin ni Barbers, hindi na pwedeng basta na lamang manahimik ang Pilipinas lalo’t marami sa ating mamamayan lalo na ang mga mangingisda ang matagal nang nagdurusa dahil sa panggigipit ng China.

Facebook Comments