Nanindigan si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Vicente Danao Jr. sa ginawang pakikipagpulong nito sa mga Barangay Chairman, Sangguniang Kabataan, at barangay tanod sa Sto. Niño Elementary School sa Barangay Sto. Niño, Marikina City kaugnay sa paglaban sa kriminalidad ay trabaho o gawain hindi lamang ng mga pulis kundi sa lahat ng mamamayang Pilipino.
Ayon kay PMaj. Gen. Vicente Danao Jr., mayroon umano tatlong kadahilanan kung bakit nangyayari ang krimen. Una ang motibo nito, instrumento at oportunidad, halimbawa aniya ang motibo ng nito ay pumatay o manggahasa, gagamit siya ng instrumento gaya ng atalim o kaya baril at bakit naman ito nagpapatuloy dahil sa oportunidad o tsansa dahil walang nag-re-report sa pulis kapag mayroong nangyayaring krimen.
Paliwanag ni Danao, handa silang magsasagawang mga lectures kasama ang mga barangay tanod para makapagalerto kaagad sila sakaling mayroong mangyayaring krimen.
Dagdag pa ni Danao, kabilang sa ituturo ay ang mayroong kaugnayan sa Citizen’s Arrest at Miranda Rights o doctrine.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Danao sa ibinigay na kooperasyon ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro upang agad mapigilan ang anumang mangyayaring krimen sa lungsod.