MAMASAPANO ENCOUNTER | Dating SAF commander General Napeñas, naglabas ng hinanakit kay dating Pangulong Aquino

Manila, Philippines – Bagamat 3 taon na ang nakakaraan may hinanakit parin si dating Special Action Force Cmdr. Getulio Napeñas Jr. kay dating Pangulong Benigno Aquino kaugnay ng nangyaring Mamasapano massacre.

Sa paggunita ng Mamasapano tragedy ngayong araw, sinabi ni Napeñas na legal at lawful ang ginawa nyang pagsunod kay Aquino at kay dating PNP Chief Alan Purisima dahil sa kanila nag mula ang utos na dakpin ang Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir, alias Marwan.

Pero nang pumalpak, tila iniwan siya sa ere at sa kanya sumentro ang lahat ng sisi.


Pero magkagayunman, ipinagmamalaki ng dating pinuno ng SAF na sila ang nakapatay kay Marwan.

Posibleng mas naging malala aniya ang nangyari sa Marawi kung nagkasama sina Marwan at Amin Baco na kapwa bomb expert.

Facebook Comments