Manila, Philippines – Kasabay ng ikatlong anibersaryo ng Mamasapano Massacre na ikinamatay ng 44 na miyembro ng PNP special action force dumulog sa korte suprema ang office of the Solicitor General (OSG).
Ito ay para igiit ng SolGen ang mas mabigat na kaso laban sa mga respondents o sa grupo ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Sa 40-pahinang Manifestation in Lieu of Comment ng SolGen, hiniling ni SolGen Jose Calida sa Supreme Court na maglabas ng Temporary Restraining Order o TRO sa nakatakdang arraignment sa February 15, 2018 kayna dating Pangulong Benigno Aquino III, Dating PNP Chief Alan Purisima at Dating SAF Director Getulio Napeñas.
Hiniling ni Calida sa Korte Suprema na atasan ang Ombudsman na maghain ng 44 na bilang ng kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa mga respondents na nahaharap lamang ngayon sa kasong usurpation of authority.
Naniniwala din ang SolGen na nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng Ombudsman dahil mistulang inabswelto na nito ang mga respondents dahil sa pagsasampa ng mahinang kaso.