MAMASAPANO INCIDENT | Arraignment nina dating Pangulong Aquino, Purisima at Napeñas ngayong araw, ipinagpaliban ng Sandiganbayan

Manila, Philippines – Kinansela ng Sandiganbayan 4th Division ang arraignment at pre-trial sana ngayong araw ni dating Pangulong Noynoy Aquino tungkol sa mga kasong isinampa kaugnay sa Mamasapano Incident noong 2015.

Sa isang pahinang utos na inilabas ng anti-graft court na pirmado nila Sandiganbayan Associate Justices Alex Quiroz, Reynaldo Cruz at Bayani Jacinto, ipinatitigil muna pansamantala ang pagbasa ng sakdal kina Aquino, dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Director Getulio Napeñas kaugnay sa madugong operasyon sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 na SAF commandos.

Ang utos ng Sandiganbayan ay alinsunod na rin sa inisyung TRO ng Supreme Court 1st Division kontra sa resolusyon ng Ombudsman na nagpapabasura sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide laban kina Aquino, Purisima at Napeñas.


Nahaharap ang mga ito sa kasong graft at usurpation of official functions matapos na ipagutos ni Aquino sa noon ay suspendidong si Purisima ang operasyon na Oplan Exodus para tugisin ang mga teroristang sina Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Abdul Basit Usman.

Facebook Comments