MAMASAPANO MASSACRE | Pangulong Duterte, sisiguraduhing lalabas ang katotohanan

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacanang na gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat para lumabas ang katotohanan sa pagkamatay ng SAF 44.

Ngayon araw kasi ginugunita ang ikatlong taon ng Mamasapano Massacre kung saan 44 na miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police ang namatay sa pagpapatupad ng Oplan Exodus para makuha ang international terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dahil sa inilabas na Proclamation number 164 na una nang inilabas ng Malacanang ay idineklara ni Pangulong Duterte ang araw na ito bilang National Day of Remembrance.


Sinabi ni Roque na titiyakin ni Pangulong Duterte na hindi mauulit ang kahalintulad na pangyayari.

Kaya naman hinihikayat aniya ni Pangulong Duterte ang mga miyembro ng PNP na alalahanin at gunitain ang sakripisyo ng kanilang mga kabaro sa pamamagtian ng pagtupad ng kanilang tungkulin na mayroong integridad at katapatan.

Nakikiisa din naman ang Malacanang sa mga pamilya ng SAF 44 sa at umaasang makakamit ng mga ito ang matagal nang hinihinging hustiysa.

Facebook Comments