MAMBABATAS SA LA UNION, KINWESTYON KUNG POSIBLE ANG PAGPAPALAWIG NG STATE OF CALAMITY

Inihayag ng isang mambabatas sa La Union ang katanungan kung posible bang mapalawig ang pagdedeklara ng State of Calamity dahil sa pinsalang idinulot ng Super Typhoon Nando.

Naibahagi ang katanungan matapos buksan ang usapin sa agarang assessment ng mga pinsala sa iba’t-ibang sektor tulad sa imprastraktura, pananim, at mga kakalsadahan.

Iginiit din sa naturang sesyon ang patuloy na pagbangon ng lalawigan mula sa hagupit na tinamo sa Bagyong Crising hanggang sa Bagyong Emong at habagat ngunit muling pinadapa ng bagyong Nando.

Sa datos ng PDRRMO, umabot sa higit P21.5 milyon ang pinsala sa agrikultura habang P5.9 milyon naman sa imprastraktura sa mga nagdaang bagyo ngayong Setyembre.

Sa kabila nito, muling panawagan ng Sanggunian ang pagkakaisa tungo sa tuluyang pagbangon ng La Union.

Facebook Comments