Mamburao, Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5 na lindol

Niyanig ng magnitude 5 ang hilagang silangan ng Mamburao, Occidental Mindoro kaninang alas-12:43 ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro at pinagmulan ng lindol sa layong 11 kilometers.

Naramdaman ang intensities sa mga sumusunod na lugar;


Intensity III – Malvar, Batangas
Intensity II- Quezon City

Habang instrumental intensities sa:

Intensity IV- Calapan City, Oriental Mindoro
Intensity III- Tagaytay City
Intensity II- Muntinlupa City; Batangas City and Calatagan, Batangas,Mauban, Mulanay and Dolores, Quezon
Intensity I-Lopez, Quezon; Carmona, Cavite; Plaridel, Bulacan

Inaasanan naman ng PHIVOLCS ang aftershocks ng lindol anumang sandali.

Facebook Comments