Manila, Philippines – Mamimigay ang pamunuan ng Philippine National Police ng nasa 700 mga units ng drone sa mga PNP Regional mobile group sa buong bansa.
Ito ay dahil na rin sa magkakasunod na pananambang sa mga pulis ng mga komunistang grupo habang nagsasagawa ng operasyon.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, malaking tulong sa surveillance operation ng Regional Mobile Group ng PNP ang pagkakaroon ng drone.
Sa katunayan aniya kapag may drone magdadalawang isip ang mga kalaban na umatake.
kaya kahit aniya hindi naman standard issue ang kawalan ng drone ay oobligahin na nila ang mga pulis na nagsasagawa ng operasyon sa mga kritikal na area na gumamit ng drone.
Bukod sa pangontra sa ambush o pananambang ay gagamitin rin ang mga biniling drone sa mga rally at internal security operation.
Sinabi naman ni Police Director Jose Maria Victor Ramos, ang Chief ng Logistics and programs Division ng PNP na nagkakahalaga ng 800, libo kada isa ang biniling drone.
Sa ngayon tatangapin na lamang ito ng Committe on inspection and acceptance ng PNP bago ipamigay sa mga police units.