Cauayan City – Nakamit muli ng Mammangi Cops ang titulo bilang kampyon sa Best Practices on Community Service-Oriented Policing System sa Component City Police Stations Category sa buong Rehiyon Dos.
Iginawad ang parangal kasabay ng isinasagawang Culminating Activity ng ika-30th National Crime Prevention Week 2024 na may temang “Kabataan Tara na sa Crime Prevention, Kaisa ka!” na ginanap kahapon, ika-19 ng Setyembre, sa Police Regional Office 2, Camp Marcelo Adduru, Tuguegarao City, Cagayan.
Personal na tinanggap ng hepe ng Ilagan Component City Police Station na si Police Lieutenant Colonel Lord Wilson Adorio ang nabanggit na prestihiyosong parangal.
Samantala, ito na ang ikatlong pagkakataon na natanggap ng Ilagan CCPS ang nabanggit na parangal sa buong Rehiyon Dos, habang dalawang beses na rin nilang natanggap ang parehong parangal sa National Level.