Mammangi Festival ng Ilagan na May 4 hanggang May 8, Isang Ordinansa Na!

City of Ilagan, Isabela – Sa bisa ng isang ordinansa na ipinalabas ng lokal na konseho ng Ilagan ay itinakda na simula ngayong taon na magiging May 4 hanggang May 8 ang Mammangi Festival sa lungsod ng Ilagan.

Ayon kay Sangguniang Panlungsod Member Jun Monterial ng City of Ilagan na ito ay dahil umano sa kahilingan ng alkalde at lahat ng ahensya sa lungsod.

Isa parin umano na dahilan sa bagong petsa ng pagdiriwang ng Mammangi Festival ay dahil sa laging umuulan ang May 26 hanggang May 31 na dating petsa sa nasabing okasyon..


Mahirap umano isakatuparan ang lahat ng nakahanay na aktibidad sa festival kapag ang panahon ay tag-ulan.

Ang bagong ordinansa ayon pa kay SP Member Monterial ay para din sa lahat ng taong bayan, mga turista at mga bisita na nagnanais makiisa sa pagdiriwang ng Mammangi Festival.

Facebook Comments