Man-hunt operation sa 6 na presong nakatakas sa Laguna Provincial Jail, nagpapatuloy

Laguna, Philippines – Patuloy pa rin ang man-hunt operation na isinasagawa sa anim na presong nakatakas sa Laguna Provincial Jail Linggo ng umaga.

Ayon kay Rommel Palacol, head ng Laguna Action Center, may hawak na matatalas na bagay at isang kalibre .38 na baril ang mga ito habang tumatakas ng pasilidad.

Kinilala ang mga preso na sina:


Randell Valle y Bucal na taga-Bulihan, Laguna (Murder); Rio Mahilon y Amihan na taga-Caloocan (Illegal Possession Of Firearms); Reyman Reymundo y Caparaas na taga-Binan, Laguna (Murder); Teddy Bucal y Sarte na taga-Mabitac, Laguna (Murder); Rommel Macaraig y Esmer na taga-San Pablo, Laguna (Carnapping); Borgias Dizon y Zaldy na taga-Biñan, Laguna (Possession of Illegal Drugs).

Nabaril sa mukha ang jail guard na si Norberto Malabanan at naagawan ng m-16 rifle ng mga pumugang preso .

Sa ngayon ay nasa malubha pang kalagayan si Malabanan sa Laguna Medical Center.

Facebook Comments