MAN ON THE CURTAIN | Crime prevention projector kit para sa mga babaeng mag-isa lang sa bahay, naimbento sa Japan

Japan – Isa ang Tokyo sa mga pinaka-safe na city sa buong mundo.

Gayunman, hindi pa rin daw naiiwasan ang pagkakaroon ng krimen kung saan kadalasang biktima nito ang mga babaeng mag-isa lang sa bahay.

At dahil ayaw ng mga Hapones sa ideya ng roommate, isang crime prevention projector kit ang naimbento ng Japanese Apartment Management Company na Leo Palace 21!


Tinawag itong “Man on the Curtain”, isang ingenious system na nagpo-project ng full-motion silhouette ng isang lalaki sa kurtina ng bintana na layong linlangin at itaboy ang kriminal sa bahay ng isang babae.

Gamit ang smartphone, nagfi-feature ito ng 12 silhouette options kung saan makikita ang lalaki na nagpe-perform ng iba’t ibang routine sa loob ng 30-minuto.

Mayroon nagbubuhat ng gamit, nagpa-practice ng martial arts o shadowboxing at naggi-gitara.

Facebook Comments